Hitler comment ni Duterte, ikinabahala din ng UN
Nagpahayag ng pagka-alarma si United Nations (UN) special adviser on the Prevention of Genocide Adama Dieng sa komento ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagpatay ni Adolf Hitler sa mga Hudyo at masaya raw nitong papatayin ang tatlong milyong kataong lulon sa iligal na droga.
Ani Dieng, ang naturang pahayag ay pambabastos sa karapatang mabuhay ng lahat ng tao.
Dagdag ng opisyal ng UN, isa sa pinakamadilim na kasaysayan ng sangkatauhan ang Holocaust.
Anumang pagpupugay rito ay hindi aniya katanggap-tanggap at kagalit-galit.
Nanawagan si Dieng kay Pangulong Duterte na iwasan ang panalitang magpapalala sa diskriminasyon, poot at karahasan, at maghihikayat na gumawa ng krimen.
Sa kanyang pahayag, hiniling din ni Dieng kay Duterte na suportahan ang imbestigasyon ng pagtaas ng bilang ng patayan kaugnay ng kampanya laban sa krimen at iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.