Ayon sa PAGASA, alas 4:00 ng umaga kanina, huling namataan ang bagyong Igme sa layong 690 kilometers east northeast ng Basco Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 kilometers kada oras.
Mamayang hapon ay inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at patungo sa direksyon ng Japan.
Samantala, alas 6:55 ng umaga ng Lunes, naglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Apektado ng thunderstorm na tatagal ng dalawang oras ang Pasay, Las Pinas, at Paranaque, gayundin ang Pililia, Rizal; Mabitac, Laguna; Mariveles Bataan; at ilang bahagi ng Cavite.
Sa susunod na dalawang oras, maaapoektuhan na din ng thunderstorm ang Zambales, Batangas, Quezon at iba pang lugar sa MetroManila, Rizal, Laguna at Bataan.
Samantala, sa lagay ng panahon ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin na mayroong mahina hanggang katamtamang pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Regions.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulapb na papawirin na mayroong isolated rainshowers o thunderstorms.