Limang magkakasunod pagyanig, naitala

July 30, 2015 - 07:00 AM

LindolMagkakasunod na niyanig ng lindol mula madaling araw kanina hanggang ngayong umaga ng Huwebes ang mga lalawigan ng Cagayan, Batangas, Mindoro, Pangasinan at Surigao Del Norte.

Sa abiso ng The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) unang niyanig ng Magnitude 3.7 na lindol ang bahagi ng Sta. Ana sa Cagayan alas 2:34 ng madaling araw.

Ang nasabing pagyanig ay sinundan ng magnitude 4.2 na lindol sa bahagi naman ng Nasugbu, Batangas alas 3:03 ng madaling araw.

Lumindol din sa Occidental Mindoro ganap na alas 4:39 ng umaga at naitala ang magnitude 3 sa bahagi ng bayan ng Lubang.

Magnitude 3 na lindol naman ang yumanig sa Bolinao, Pangasinan alas 5:46 ng umaga.

Ang nasabing mga pagyanig ay nasundan pa dakong alas 6:45 ngayong umaga, kung saan naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa bayan ng San Isidro, Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, pawang tectonic naman ang origin ng limang magkakasunod na lindol at walang naitalang intensities at pinsala./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Philippine Institute of Volcanology and Seismology, quake hits 4 areas, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, quake hits 4 areas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.