Pagbabago sa disenyo, ramdam ng mga newsroom
‘Nakakabata ang pagbabago.’
Ito ang pananaw ng tinaguriang ‘rock star’ ng newspaper design at strategy na si Dr. Mario Garcia.
Si Garcia ang CEO at founder ng New York-based Garcia Media na nanguna sa pagbabagong-anyo ng nasa 700 pahayagan at media brands sa higit 120 bansa sa loob ng 42 taon.
Kabilang sa kanyang mga major projects ng transformation ay ang mga sikat at kilalang mga pahayagan tulad ng The Washington Post, The Wall Street Journal at ang The New York Times.
Siya rin ang nanguna sa nalalapit na ‘transformation’ sa The Philippine Daily Inquirer.
Ayon kay Garcia, malaki ang potensyal para magkaroon ng magandang redesign ang Inquirer ngunit mananatiling sikreto pa rin ng tagumpay nito ay ang kanyang laman o ‘content’.
Paliwanag ni Garcia, maraming mga ‘well-designed’ na pahayagan ang huminto na sa publikasyon ngunit marami ring mga hindi gaanong maayos na naidisenyong pahayagan ang patuloy na namamayagpag.
Ito aniya ay dahil sa ‘content’ ng mga ito na naging bahagi ng buhay ng kanilang mga mambabasa.
Dahila niya sa teknolohiya, mahalagang magpatuloy sa paghahanap ng mga makabagong paraan ang mga pahayagan upang maihatid ang kanilang mensahe sa mas kaaya-ayang paraan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.