‘Vietnam Idol’ champion, isang Pinay

By Jay Dones October 03, 2016 - 04:15 AM

 

Mula sa inquirer.net

Isang Pinay ang hinirang bilang kampeon sa ika-pitong season ng singing contest na ‘Vietnam Idol.

Ang ‘Vietnam Idol’  ay hango sa sikat na ‘American Idol’ kung saan naglalaban-laban ang mga mangagaling na mang-aawit  mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Nakuha ng 28-anyos na housewife na si Janice Buco o Janice Phuong ang kampeonato matapos nitong talunin ang kanyang mga katunggali sa naturang contest.

Si Buco ang tanging Pinoy na nakapasok sa ‘Vietnam Idol’ at ang tanging foreigner na nanalo dito.

Nakuha ng Pinay singer ang kabuuang 54.25 percent ng boto ng audience at naungusan ang isang mang-aawit mula sa Vietnam sa finals na ginanap sa Ho Chi Minh City.

Dahil sa pagkapanalo, nag-uwi si Janice ng 600 million Vietnames dong o katumbas ng $28,600.

Si Janice ay tubong Bohol, at maybahay ng isang Vietnamese.

Naninirahan ang dalawa sa Hanoi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.