Hindi magtataka si Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. kung sakaling may magsimula ng kudeta sa mga grupong hindi pabor sa istilo ng pamamalakad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, iginiit ni Evasco na kung sakaling may magtangka man na patalsikin sa puwesto ang pangulo, tiyak na hindi magtatagumpay ang mga ito.
Paliwanag ni Evasco, natural lamang na may ilang mga heneral na dawit sa iligal na droga ang magalit sa ginawa ng pangulo nang ibunyag nito ang nilalaman ng drug matrix.
Gayundin aniya sa kampanya ng gobyerno kontra kontraktuwalisasyon at maging ang mga negosyanteng may interes sa Amerika.
Sa kabila nito, naniniwala ang kalihim na magtatagumpay lamang aniya ang isang ‘kudeta’ kung galit ang taumbayan sa lider na kanilang pinatatalsik.
Sa kaso aniya ni Pangulong Duterte, malinaw na suportado ito ng sambayanan sa kanyang kampanya kontra iligal na droga.
Pangarap rin aniya ng mga Pinoy na maging isang drug-free country ang bansa kaya pabor din ang mga ito sa pagpatay sa mga drug lord at mga pusher.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.