‘Igme’ papalabas na ng PAR

 

Papalayo na ng bansa ang bagyong ‘Igme’ at patungo na sa direksyon ng Japan.

Sa 11 PM update ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 730 kilometers east northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 165 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 205 kph.

Patuloy na tatahakin ng bagyong ‘Igme’ ang direksyon patungong Japan sa bilis na 25 kph.

Inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.

Asahan ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa eastern Visayas, Caraga at Davao ngayong araw.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog naman ang iiral sa kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Read more...