Proseso ng ‘Brexit’ sisimulan sa March 2017

By Jay Dones October 03, 2016 - 04:14 AM

 

theresa may prime minister britainSisimulan na ng Britain ang proseso ng negosasyon para sa pag-alis nito  sa European Union (EU) sa Marso ng susunod na taong 2017.

Ayon kay British Prime Minister Theresa May, kanilang-sisimulan na ang pag-trigger sa Article 50 ng Lisbon Treaty upang maisakatuparan ang ‘Brexit’ sa 2019.

Ang Article 50 ang nagsasaad na kinakailangang magkaroon ng dalawang taong negotiation process para sa ‘Brexit’.

Paliwanag pa ni May, nakatakda silang gumawa ng bagong batas na ihahain sa British Parliament na naglalayong ma-repeal ang naunang batas na nabuo noong 1972 na nagpasok sa Britain sa European Union.

Tatawaging ‘Great Repeal Act’ ang naturang batas na iaanunsyo sa nalalapit na Queen’s speech sa opisyal na pagbubukas ng parliament.

Sa oras na maisabatas, mababalewala na ang lahat ng European laws sa mga British Courts na maghuhudyat upang maging isang ‘sovereign country’ muli ang Britanya.

Gayunman, pagbobotohan pa ang naturang panukala ng mga miyembro ng House of Commons at House of Lords.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.