Nakaranas ng magnitude 5.3 na lindol ang lalawigan ng Pangasinan at naramdaman ang epekto nito hanggang sa Metro Manila at Ilocos kagabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa 19 na kilometro ang layo sa kanlurang bahagi ng bayan ng Bolinao, Pangasinan.
Naganap ang paggalaw ng lupa sa karagatan sa lalim na 26 na kilometro at tectonic ang pinagmulan nito dakong ala-9:40 ng gabi, Linggo.
Sa updated information na inilabas ng PHIVOLCS alas 12:04 ng madaling araw kanina, naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity V: Bolinao, Pangaisnan
Intensity IV: Lingayen, Alaminos City, Sual at San Fabian Pangasinan; Alilem, Ilocos Sur;
Intensity III: San Carlos, Dagupan City, Pangasinan; sa an Emilio, Ilocos Sur;
Intensity II: San Fernando City, Bauang, La Union; Baguio City; Makati City; Pasig City; Quezon City
Intensity I: Vigan City
Gamit naman ang Instrumental Intensities, naitala din ng Phivocs ang Intensity 3 sa Olongapo City at Baler Aurora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.