Duterte nag-sorry sa Jewish community sa kanyang ‘Hitler’ statement
Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jewish community dahil sa pagkukumpara nito kamakailan sa pagmassacre sa milyun-milyong Hudyo sa panahon ni Adolf Hitler sa kanyang kampanya kontra iligal na droga.
Ginamit na pagkakataon ni Pangulong Duterte ang okasyon ng Masskara Festival sa Bacolod City, Negros Occidental upang humingi ng paumanhin sa kanyang mga nabitiwang salita.
Paliwanag ni Duterte, wala naman siyang intensyon na sirain ang alaala ng nasa milyun-milyong Hudyo na nasawi at naghirap sa kamay ng mga Aleman noong ‘Holocaust’.
“There was never an intention on my part to derogate the memory of 6 million Jews murdered by the Germans,” giit ni Pangulong Duterte.
Matatandaang umani ng matinding batikos maging sa international community ang pahayag ni Pangulong DuUterte noong nakaraang linggo na nagsasabing handa siyang pumatay ng milyun-milyong drug addict sa bansa tulad ng ginawa ni Hitler nang patayin nito ang milyun-milyong Hudyo noong World War 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.