Ugnayang US at Pilipinas, nanatiling matibay

By Rod Lagusad October 02, 2016 - 02:11 AM

US embassyBinigyang diin ng United States (US) na ang relasyon nila sa Pilipinas ay nanatiling matibay sa kabila ng mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay US Department of State Deputy Spokesman Mark Toner, na nanatiling matibay ang people-to-people, military at economic ties ng dalawang bansa.

Dagdag ni Toner na ang relasyong US sa Pilipinas ay nakabase sa mutual foundation ng shared values kung saan kasama ang paniniwala sa dignidad at karapatang pantao.

Nang tanungin si Toner kung hanggang kalian hahayaan ng State Department si Duterte sa mga nagiging pahayag nito ay sinabi lang ni Toner na ang US ay patuloy na nakikipagtulungan sa Pilipinas sa ibat-ibang isyu.

Sinabi din ni Toner na hindi dinidiktahan ng US ang Pilipinas kung kaninong bansa ito makikipag-ugnayan dahil ang tangi lang nilang inaalala ay ang pagpapanatili ng matibay na relasyon ng dalawang bansa.

TAGS: Rodrigo Duterte, united states, US Department of State Deputy Spokesman Mark Toner, Rodrigo Duterte, united states, US Department of State Deputy Spokesman Mark Toner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.