Pilipinas at Vietnam, nanawagan sa pagresolba ng agawan ng teritoryo
Muling pinagtibay ng Pilipinas at Vietnam ang pangako sa pagpapanatili at pagtataguyod ng kapayapaan, seguridad, katatagan at ang malayang komersyo partikular sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sa mapayapang paraan resolbaain ang naturang agawan sa teritoryo kung saan kasama dito ang pagrespeto sa legal at diplomatikong proseso, ang pagkakaroon ng self-restraint sa paggawa ng aktibidad na walang mauuwi sa pagbabanta o paggamit ng pwersa, na nakabase sa universally recognized principles ng international law kabilang ang 1982 UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea).
Nakipagkita si Duterte kay Vietnamese President Tran Dai Quang, Prime Minister Nguhen Xuan Phuc at General Secretary Nguyen Phu Trong ng Central Committee sa kanyang two-day official visit sa Hanoi.
Tumanggi si Duterte na magbigay ng detalye ng kanyang pakikipagpulong sa mga opsiyal ng Vietnam dahil wala siyang authority mula sa mga ito.
Binigyang diin ni Duterte ang mga napag-usapan ay hindi “for public consumption” pero aniya ito ay nakatuon sa interes ng dalawang bansa.
Kaugnay nito, naging mainit ang naging pagtanggap ng Filipino community sa Vietnam sa pagbisita ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.