Mga estero maagang nilinis ng DPWH kaugnay sa bagyong Igme

By Den Macaranas October 01, 2016 - 08:23 AM

floods
Inquirer file photo

Puspusan ang paglilinis ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways – National Capital Regional (DPWH-NCR) sa mga estero sa Metro Manila dahil sa inaasahang pagpasok ng bagyong Igme ngayong araw.

Nauna nang sinabi ni DPWH Sec. Mark Villar na dapat tiyaking malinis ang mga daluyan ng tubig para maiwasan ang baha tulad ng naranasan Metro Manila sa mga nakalipas na araw.

Umapela rin ang kalihim sa publiko na makiisa sa pagtiyak na mapanatiling malinis ang mga kanal para makaiwas sa baha.

Katuwang ng DPWH ang MMDA sa nasabing proyekto kabilang rin ang ilang mga local officials.

Kamakalawa ay pinangunahan ni Villar rang pagbubukas ng flood control project sa Mandaluyong City na halos ay tatlong taong ginawa ng DPWH.

Tiniyak rin ng kalihim na kasama sa kanyang mga priority projects ang pagtatayo ng mga dagdag na flood gates sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

TAGS: baha, DPWH, igme, Mark Villar, baha, DPWH, igme, Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.