Dahil sa dami ng mga reklamong kanilang natanggap, bahagyang niluwagan ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang kanilang number coding.
Ayon kay City Public Information Officer Mar Jimenez, binago ng munisipyo ang nasabing traffic scheme at magsisimula na ito mula ngayong araw ng Sabado, October 1.
Ani Jimenez, para maging patas sa lahat, inirekomenda nila ang pagpapatupad ng 9 a.m. hanggang 4 p.m. na window period, o iyong mga oras kung kailan maaring gamitin ng mga pribadong sasakyan ang kalsada anuman ang kanilang plaka.
Una kasing inanunsyo ni Mayor Edwin Olivares na mahigpit nilang ipatutupad ang “no-window-period” policy.
Ito ay para mabawasan naman ang mabigat na trapiko sa lungsod kung saan ang kalsada sa kahabaan ng Sucat ay tinawag nang “Little EDSA” dahil sa sobrang trapik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.