Hirit ni Jaybee Sebastian na mailipat ng kulungan, handang ikunsidera ng DOJ

Contributed Photo
Contributed Photo

Hindi isinasantabi ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad na paglilipat kay high-profile inmate Jaybee Sebastian sa ibang bilangguan na nasa ilalim ng pamamahala ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay matapos na hilingin ng kampo ni Sebastian na mailipat siya sa ibang bilangguan dahil sa pangamba sa kaniyang buhay matapos ang riot na naganap sa New Bilibid Prisons (NBP) na kaniyang ikinasugat at ng iba pang preso.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, kung talaga namang kinakailangan para sa seguridad ni Sebastian, handa siyang ikunsidera ang hiling nito.

Maliban sa NBP, nasa ilalim din ng pamamahala ng BuCor ang Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan; Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro; San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City; Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte; at Davao Prison and Penal Farm sa Panabo City, Davao del Norte.

Kasalukuyang nagpapagamot ngayon si Sebastian, kasama ang iba pang preso na nasugatan sa riot.

 

 

Read more...