Mahigit 500 pamilya na inilkas dahil sa pagbaha sa tatlong bayan sa Bulacan, nakauwi na sa kanilang tahanan

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2016 - 04:32 PM

Marilao Bulacan | Kuha ni Den Macaranas
Marilao Bulacan | Kuha ni Den Macaranas

Nakabalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang nasa 532 na pamilya o 2,555 na indibidwal na naapektuhan ng pagbaha sa tatlong bayan sa Bulacan dahil sa pag-ulan na dulot ng Habagat.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ang nasabing mga pamilya na naapektuhan ay pawang mga residente ng Meycauayan, Marilao at Sta. Maria.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DSWD Field Office-III sa provincial government ng Bulacan para sa karampatang tulong na kailangan pa ng mga naapektuhang pamilya.

Sa ngayon, ang DSWD Central Office (CO) ay mayroong kabuuang Stockpile at Standby Funds na nagkakahalaga ng mahigit sa kalahating milyong piso.

Sa nasabing halaga, mahigit tatlong milyong piso ang naka-standby para sa DSWD Field Office-III habang ang bulto ng halaga ay bahagi ng Quick Response Fund (QRF) ng ahensya.

TAGS: Bulacan, Bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.