Pagpapalaya sa mga Vietnamese na naaresto sa pangingisda sa Pilipinas, pinamamadali ni Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2016 - 03:11 PM

Vietnam-PhilippinesMatapos ang kaniyang dalawang araw na official visit sa Vietnam, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice (DOJ) na madaliin ang pagpapalaya sa lahat ng mangingisdang Vietnamese na naaresto sa bansa dahil sa pangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, wala pa namang timetable na itinakda para sa pagpapalaya sa mga dayuhan pero nais ni Pangulong Duterte na gawin ito sa lalong madaling panahon.

Sa utos din ni Duterte, ang pamahalaan ng Pilipinas ang gagastos sa pagpapabalik sa mga Vietnamese sa kanilang bansa.

Maging ang mga Vietnamese vessels na ginamit sa illegal fishing activities at hawak ngayon ng Philippine authorities ay ibabalik din sa Vietnam.

Hindi pa malinaw kung gaano karaming Vietnamese fishermen ang makikinabang s autos ni Pangulong Duterte, pero batay sa mga naunang ulat pitong mangingisdang Vietnamese ang inaresto ng Philippine Navy sa Currimao, Ilocos Norte noong October 2015.

Habang noong September 8, labingpitong maginginsdang Vietnamese din ang dinakip sa Vigan City sakay ng tatlong bangka dahil sa panghuhuli ng isda sa karagatan ng Pilipinas.

 

TAGS: Duterte orders immediate release of Vietnamese fishermen arrested in PH, Duterte orders immediate release of Vietnamese fishermen arrested in PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.