3 drug personalities sa Caloocan, patay sa buy-bust

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Napatay ng mga pulis ang tatlong drug personalities, matapos manlaban sa ikinasang anti-drug operation ng mga otoridad sa bahagi ng riles sa Barangay 33, Maypajo, Caloocan City.

Isang buy-bust operation ang kinasa ng Caloocan City Police laban kay Reggie Sarmiento, pero nakatunog ang suspek at dalawang kasamahan nito at nanlaban sa mga pulis.

Agad namang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkasawi ng tatlo.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang kasama ni Sarmiento.

Samantala, tatlo namang katao ang inaresto sa nasabi ring operasyon na hinihinalang parokyano ng suspek na si Sarmiento.

Read more...