5 patay, 50 arestado sa oplan one-time big-time sa Navotas

Lima ang patay habang limampu pa ang naaresto sa pagpapatupad ng oplan one-time big-time sa Navotas City.
Ayon sa Navotas Police, isinagawa ang operasyon alas 5:00 ng umaga kanina sa bahagi ng Market 3, Fishport Complex, Barangay NBBN, Navotas City.
Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkasawi ng limang armadong drug suspects.
Sinabi ni Navotas City police chief Sr. Insp. Anthony Mondejar, ang limang nasawi ay nagtangkang tumakas nang lapitan ng mga otoridad at nang sila ay masukol ay binaril nila ang mga pulis.
Hawak naman ng mga otoridad ang hindi bababa sa 30 katao na pawang hinihinalang nagtutulak o gumagamit ng droga.
Ani Mondejar, karamihan sa mga nasa drug watchlist nila ay nasa loob ng Market 3 ng Navotas Fishport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.