LPA binabantayan ng PAGASA Sa Cagayan; Bagyo na papasok ng PAR, lumakas pa

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2016 - 06:28 AM

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA na huling namataan sa 220 kilometers Northeast ng Aparri, Cagayan.

Ang Tropical Storm Chaba naman ay huling namataan sa 1,815 kilometers East ng Luzon at taglay na ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers kada oras.

Nasa labas pa ng bansa ang nasabing bagyo at inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, araw ng Sabado.

Tatawagin itong Igme sa sandaling pumasok ng bansa.

Pa-kanluran pa rin ang direksyon ng bagyo sa bilis na 22 kilometers kada oras.

Ayon sa PAGASA, apektado ng Habagat ang buong Luzon at makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na mayroong isolated rainshowers o thunderstorms ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.

 

 

TAGS: weather update, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.