Centers for Disease Control and Prevention ng US, nagpalabas ng Zika travel advisory sa Pilipinas

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2016 - 06:18 AM

Zika virusNag-isyu ng Zika travel advisory laban sa Pilipinas at sa 10 pang bansa sa Asya ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos.

Sa abiso ng US-CDC, pinapayuhan ang mga mamamayan nila lalo na ang mga buntis na iwasan o ipagpaliban ang non-essential travel sa labing isang Southeast Asian countries.

Kabilang sa mga tinukoy na bansa ang Brunei, Myanmar, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Maldives, Pilipinas, Thailand, East Timor at Vietnam.

Ito ay dahil sa umano ay pagkakaroon ng mga kaso ng Zika sa nasabing mga bansa.

Ayon sa US-CDC, napakadelikado lalo na sa mga buntis kung sila ay tatamaan ng sakit, dahil maaapektuhan ang kanilang ipinagbubuntis na sanggol.

Ang Zika virus na mosquito-borne disease ay unang natuklasan sa Brazil noong nakaraang taon at mabilis na kumalat sa iba pang bahagi ng mundo.

 

 

 

TAGS: US CDC issues Zika travel advisory vs Philippines and 10 other Southeast Asian countries, US CDC issues Zika travel advisory vs Philippines and 10 other Southeast Asian countries

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.