Itinalaga bilang bagong director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Police Chief Superintendent Joel Pagdilao na hinugot mula sa pagiging director ng Quezon City Police District (QCPD).
Kaninang umaga ay inanunsiyo ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez ang appointment ni Pagdilao.
Naganap ang turnover ceremony ngayong hapon. Si Pagdilao, na miyembro ng PMA Maharlika class of 1984, ay kapalit ng nagretirong si Police Director Carmelo Valmoria.
Bukas ng umaga ay itatalaga naman bilang kapalit ni Pagdilao sa QCPD si Chief Supt. Edgardo Tinio, miyembro ng PMA Sandiwa class of 1985 at ngayon ay nakatalaga pa sa Directorate for Integrated Police Operations –South Luzon.
Pansamantala, ilang oras naman na magiging acting director ng puwersa ng pulisya ng lungsod ng Quezon si Sr. Supt. Danilo Bautista.
Noon lang nakaraang Oktubre naitalaga bilang District Director ng QCPD si Pagdilao at nito lang nakaraang Pebrero siya naging Chief Superintendent o one-star general./ Jan Escosio
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.