Hindi si De Lima ang nasa sex video ayon sa mga nakapanood

By Inquirer, Kabie Aenlle September 30, 2016 - 04:36 AM

 

censoredIsang Filipino-American na babae ang nagpadala ng isang kopya ng video sa Philippine Daily Inquirer kung saan makikita ang isang babae at isang lalaki na nagtatalik, at itinanong ng sender kung ang babae bang naroon sa video ay si Sen. Leila de Lima.

Matatandaang binantaan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II si De Lima na gagamitin niya ang sex video nito sa House inquiry tungkol sa umano’y koneksyon ng senadora sa mga drug lords sa Bilibid.

Dahil sa tanong ng nagpadala ng video, ipinanood ito ng Inquirer sa ibang tao at saka hiningi ang kanilang opinyon kung sa tingin nila ay si De Lima nga ang babae dito.

May habang 54 segundo ang nasabing video kung saan makikita ang babaeng may kaunting pagkakahawig sa senadora lalo na’t may suot rin itong salamin sa mata, habang ito ay nakikipagtalik sa lalaking halos hindi na makita dahil sa dilim.

Mayroon ding dumaan na aso sa bandang dulo ng nasabing video.

Kapansin-pansin rin umano na pawang panay ang lingon ng babae sa camera na para bang tinitiyak na siya ay makikita.

Mistula ring sinadya ng gumawa ng video na i-blur o gawing malabo ang bahagi ng mukha ng babae kaya mahirap din talagang tukuyin ang pagkakakilanlan nito.

Ayon sa isang negosyante, bagaman halos pareho ang “build” ng katawan ng babae at ni De Lima, tanging ang mga malalabo ang mata o madumi ang isip ang magsasabing ang senadora ang nasa video dahil mukhang mas bata pa ang babae kumpara kay De Lima.

Hindi rin naniwala ang isang musikero na si De Lima ang nasa video, lalo na’t may nakalagay pang watermark ng pinanggalingang website sa video nang humarap sa camera ang babae.

Paliwanag naman ng isang photographer, maaring ibang tao ang nasa video dahil maraming pornographic videos ang makikita na kamukha ng ibang tao ang naroon.

Ayon naman sa isa pang negosyante, malabo ang nasa video at parang pinag-suot talaga ng salamin upang pag-mukhaing si De Lima.

“Hocus-pocus” at “staged” naman umano ang video ayon sa isang lighting engineer at club DJ, habang ayon naman sa isang housewife, sinumang makakapanood nito ay masasabing ito ay peke.

Para naman sa isang babaeng mamahayag, ito ay isang pinakamababang uri ng paninira, habang isang musikero pa ang nagsabi na ito na ang pinaka-malalang uri ng pamemeke.

Nagkalat naman ang watermark title sa video na nagsasabing “Senator Leila de Lima Scandal Pak Ganern” na may kasama pang link sa isang website na nadiskubre ng Inquirer na isa palang porn site.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.