“We’ve lost a leader” – Duterte sa pagpanaw ni Santiago

By Kabie Aenlle September 30, 2016 - 03:36 AM

 

Duterte-Santiago“We’ve lost a leader.”

Ito ang nasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpanaw ni dating Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Ipinahayag ng pangulo sa talumpati niya sa Davao City kaninang madaling araw ang kaniyang pakikiramay sa naiwang pamilya ni Santiago, partikular na sa mister nitong si Narciso “Jun” Santiago, at sa kapatid nitong si dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Ret. Gen. Benjamin Defensor.

“I would like to express my deepest condolences, and grieving with the family, to Narciso (Santiago), to (Benjamin) Defensor. To the children, I share your grief,” ani pangulo.

Ayon pa kay Duterte, sa pagpanaw ni Santiago, nawalan ng isang miyembro ng pamahalaan na may matalas na utak at matapang rin na pananalita.

“(And) above all, yung utak niya. We’ve lost one vulgar senator,” dagdag ng pangulo.

Nagpahayag rin ang pangulo ng kagustuhan na makadalaw sa burol ng dating senadora.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.