Malawakang tax amnesty program, ikinakasa ng DOF

 

Inquirer file photo

Nagbabalak ang Department of Finance na magpatupad ng malawakang tax amnesty program bilang bahagi ng kanilang tax policy reform program.

Ito’y magiging bahagi rin ng naunang plano na maibaba ang income tax rate para sa mga manggagawa sa bansa.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, pinag-iisipan na ng DOF ang pagbibigay ng tax amnesty sa mga may pagkukulang sa pagbabayad ng kanilang property tax at estate tax.

Una nang binanggit ng pamahalaan na pinag-aaralan na ang panukalang ibaba ang income tax rate at maging ang value-added tax rate at amnesty sa mga nakabinbing kaso sa korte.

Paliwanag ni Dominguez, isa sa kanilang sinisilip na posibleng gawin ay ang pagbayarin bilang amnesty tax na 40-percent ang mga delinquent taxpayers.

Sa ilalim din ng kanilang proposal, nais din nilang ibaba ang estate at donor’s tax at maging ang documentary stamp tax, transfer tax at registration fee sa mga may-ari at nagnanais na bumili ng lupa.

Read more...