Tren nag-overshoot sa terminal sa New Jersey; 1 patay, higit 100 sugatan

 

Inquirer.net/AP

Isa ang iniulat na patay samantalang hindi bababa sa 108 katao ang nasaktan nang araruhin ng isang commuter train ang terminal nito sa Hoboken, New Jersey Huwebes ng gabi, oras sa Pilipinas.

Sa inisyal na report ni New Jersey governor Chris Christie, naganap ang trahedya sa kasagsagan ng morning rush hour kung saan maraming mga pasahero ang nag-aabang ng tren.

Ayon sa ilang mga saksi, naging mabilis ang dating ng tren sa terminal kaya’t nag-overshoot ito at humampas sa platform bago tumama sa barrier sa dulo ng riles.

Dahil sa aksidente, maraming mga nag-aabang sa tren ang naipit sa nag-collapse na bubong at konkretong pader sa platform area at sa nasirang bahagi ng tren.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari.

Read more...