Corporate term ng Manila Bulletin expired na; PSE sinuspinde muna ang trading ng kumpanya

By Kabie Aenlle September 30, 2016 - 04:00 AM

 

PSESinuspinde “indefinitely” ng Philippine Stock Exchange (PSE) ang trading sa Manila Bulletin Publishing Corp. (MB) simula kahapon.

Ito ay sa gitna ng mga pag-kwestyon sa validity ng corporate life ng nasabing pahayagan.

Sa isang memorandum, pinuna ng PSE ang hindi pag-sasaad ng MB ng extension kanilang 50-year corporate term base sa kanilang amended articles of incorporation (AoI) na inaprubahan ng Security and Exchange Commission (SEC) noong December 2014.

Bagaman lumalabas sa dokumento na may mga ginawang pag-amyenda sa ibang sections ng kanilang bylaws mula 1989 hanggang 2014, napansin ng PSE na wala silang binago sa 50-year corporate term mula pa noong magsimula ang kumpanya noong 1959.

Dapat kasi ay naaprubahan ng SEC ang extension ng corporate term ng MB noong June 22, 1989 ngunit walang ganitong detalye na nakasaad sa kanilang AoI.

Ayon pa sa PSE, sa ilalim ng batas ay otomatikong natatapos ang corporate term ng kumpanya 50 taon matapos ang incorporation nito noong September 25, 1959.

Ito’y maliban na lamang kung ma-extend ang term nito sa pamamagitan ng pag-amyenda sa articles of incorporation, na bigong magawa ng Manila Bulletin.

Nagsimula ang suspensyon sa trading ng MB mula kahapon ng umaga at mananatiling nakabinbin hanggang sa makapagpasa ang kumpanya ng amended AoI na nagsasaad na ng extension ng kanilang corporate term.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.