Santiago ililibing sa tabi ng kanyang anak

By Mariel Cruz September 29, 2016 - 08:54 PM

Mirriam Cathedral
Inquirer file photo

Ililibing si dating Sen. Miriam Defensor-Santiago sa tabi ng puntod ng kanyang anak na si Alexander.

Ayon kay dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff at kapatid ni Sen. Santiago na si Ret. Gen. Benjamin Defensor, ito umano ang bilin ng senadora bago siya namatay.

Malapit aniya si Santiago sa kanyang lalaking anak kung kaya’t gusto niyang makatabi ito sa himlayan.

Matatandaang sa kabila ng pagiging matapang ng senadora, kakaibang Miriam ang nasaksihan ng publiko nang pumanaw ang kanyang anak.

Lubhang nasaktan ang tinaguriang “Iron Lady of Asia” noong mga panahon na nagluluksa ito sa pagpanaw ng anak.

Taong 2003 pumanaw si Alexander matapos mag-suicide dahil umano sa natanggap na mababang grado sa Constitutional Law noong nag-aaral ito sa Ateneo de Manila University.

Kaninang umaga, malungkot na ibinalita ng pamilya ng dating mambabatas ang pagpanaw ni Santiago sa edad na 71 dahil sa sakit na lung cancer.

TAGS: alexander santiago, inmmaculate concepcion cathedral, mirriam defensor santiago, alexander santiago, inmmaculate concepcion cathedral, mirriam defensor santiago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.