Pamahalaan aminado na hirap alisin ang “endo sa gobyerno

SSS/JANUARY 15, 2016 People fall in line at the Membership Assistance Center of the Social Security System (SSS) Building at East Avenue, Quezon City. INQUIRER PHOTO /RAFFY LERMA
INQUIRER PHOTO /RAFFY LERMA

Walang direktang tugon ang Malacanang kung ano ang naghihintay na kapalaran sa mga casual at contractual employees sa mga ahensiya ng pamahalaan sa kabila ng mahigpit na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pribadong kumpanya na alisin ang contractualization at end of contract (endo).

Sa harap na rin ito ng naging pag-amin mismo ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo na sa kanyang kagawaran pa lamang ay mayroong mahigit 23,000 na mga casual o kaya ay contractual employees at hindi masabi kung bukas ay mawawalan na sila ng trabaho.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, may intensiyon ang gobyerno na resolbahin ang isyu subalit hindi aniya nito masabi kung anong mga hakbang ang ipapatupad hinggil dito.

Tinitiyak naman ng kalihim na hindi binabalewala ng administrasyon ang sitwasyon ng mga manggagawa sa gobyerno lalo pa at mariin ang direktiba ni Pangulong Duterte na alisin ang sistemang endo sa larangan ng paggawa.

Nauna rito ay umapela ang libo libong contractual at casual employees na nasa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan na gawin silang permanente bilang patunay na tapat ang Duterte administration sa itama ang maling palakad sa paggawa.

Read more...