Santiago, tunay na graft-buster ayon kay Duterte

Duterte-Santiago
Inquirer file photo

“Nag-iwan ng maningning na karera sa pulitika at serbisyo publiko si dating Senador Miriam Defensor Santiago”.

Ito ang bahagi ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay nasa dalawang araw na official visit sa Vietnam sa pagpanaw ni Santiago.

Nagpa-abot din ng pakikiramay ang pangulo sa pamilyang naiwan ni Santiago.

Ayon sa pangulo, mananatili ang kanyang pagkakakilala kay Santiago bilang graft-buster ng bansa kung saan ginagawang almusal ang mga banta sa buhay dahil sa paglaban sa katiwalian.

Umaasa ang pangulo na patuloy na magiging gabay ng bansa ang iniwang pamana o legacy ni Santiago.

Matatandaang isa si Santiago sa mga nakatunggali ni Duterte sa katatapos na may 2016 presidential elections.

Sa kanilang paghaharap sa mga debate ay naging magiliw sina Duterte at Santiago sa bawat isa.

Ilang beses ding inalalayan ni Duterte ang dating mambabatas sa pag-akyat at pagbaba sa entablado na siyang naging laman ng ilang mga larawan sa social media.

Read more...