Higit sa isang milyung mga drug personalities bagong target ng PNP

By Chona Yu September 29, 2016 - 04:00 PM

Dela rosa drugs
Inquirer file photo

Aabot pa sa isang milyon pang drug addicts, users at pushers ang target ng Philippine National Police (PNP) na mapasuko, mapatay o mahuli ng mga awtoridad.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na nasa 1.8 milyong drug personalities ang target ng PNP maliban pa ito sa mga napailalim na sa Oplan Tukhang ng pambansang pulisya.

Sa pinakahuling tala ng PNP, umaabot na sa 720,000 pa ang mga sumuko  sa mga otoridad, nasa15,000 naman ang arestado habang umakyat na ng mahigit sa 3,00 ang napapatay sa anti-illegal drug operations.

Ayon kay Bato, dahil sa pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga ng Duterte administration, bumaba na ng 70 hanggang 80 percent ang suplay ng shabu at tumaas ng 300 percent ang presyo nito.

“Malaki pa ang kulang sa aming mga ginagawang operasyon kaya tuloy lang ito”, dagdag pa ni dela Rosa.

TAGS: bato, dela rosa, drug personalities, PNP, bato, dela rosa, drug personalities, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.