Deklarasyon ng state of emergency di dapat bawiin ayon sa PNP

By Chona Yu September 29, 2016 - 03:16 PM

Bato Malakanyang
Photo: Chona Yu

Para kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa, hindi pa napapanahon na bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ideneklarang state of national emergency matapos ang Davao City bombing na ikinasawi ng labing-lima katao.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni dela Rosa na nananatili pa rin ang banta sa sambayanan dahil sa paglipana ng iligal na droga.

Ayon kay dela Rosa, sa ngayon ay malaki na ang nabawas sa operasyon ng ilegal na illegal drugs sa bansa dahil sa kampanya ng gobyerno.

Nasa second phase na aniya ang PNP sa paglaban sa droga.

Ibig sabihin, puntirya ngayon ng mga pulis ang mga tinaguriang “high value target” tulad ng mga bigtime drug personalities at ilang celebrities.

TAGS: dela rosa, duterte, PNP, State of Emergency, dela rosa, duterte, PNP, State of Emergency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.