Mga dating kasamahan sa Senado nagpahatid ng pakikiramay kay Santiago

By Jan Escosio September 29, 2016 - 02:40 PM

Mirriam1
Inquirer file photo

Patuloy ang pagbibigay ng mensahe ng pakikiramay sa mga naulila ni dating Sen. Miriam Defensor Santiago.

Sa pahayag ni Sen Leila De Lima, sinabi nito na isang respetadong institusyon si Santiago hindi lang dito sa bansa kundi sa buong mundo.

Aniya, iginagalang ang kahusayan ni Santiago bilang lingcod-bayan at sa kaalaman nito sa mga batas.

Ayon pa kay De Lima, ipinamalas ni Santiago ang kahusayan ng mga Filipina.

Samantala sinabi naman ni Sen. Migs Zubiri na hindi mapapagdudahan ang integridad ng tinaguriang “Iron Lady of Asia” bilang isang mahusay na public servant, mambabatas at legal expert gayundin bilang tagapagtaguyod ng human rights.

Kaugnay pa nito, inalala ni Sen. JV Ejercito ang mga payo sa kanya ni Santiago noong 16th Congress nang siya ay bagong halal na Senador pa lamang.

Giit ni Ejercito ang namayapang senadora ay tunay na kaibigan na hindi mang-iiwan lalo na sa panahon ng mga pagsubok.

TAGS: de lima, Ejercito, Santiago, senate, zubiri, de lima, Ejercito, Santiago, senate, zubiri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.