Mobile internet ng Smart, nagkaprobelma; data service ilang oras na hindi nagamit ng subscribers

By Dona Dominguez-Cargullo September 29, 2016 - 09:33 AM

Smart(UPDATE) Nakararanas ng problema ang Smart Communications sa kanilang data service.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Smart Communications public affairs head Mon Isberto, hindi nagagamit ang data service ng marami nilang subscribers.

Ito ay dahil naapektuhan ng ginagawa nilang systems upgrade ang kanilang serbisyo para sa internet.

Sa Facebook page ng Smart, nakasaad ang abiso na bagsak ang kanilang mobile internet services dahil sa naranasang problema habang nagpapatupad kahapon ng systems upgrade.

“Our mobile internet services are currently down due to unexpected difficulties that arose while a systems upgrade was being implemented last night. We apologize for the inconvenience and ask that you please bear with us. Our technical team is working to restore normal services as soon as possible,” ayon sa abiso ng Smart.

Hindi naman masabi ni Isberto kung gaano karami ang naapektuhang subscribers.

Humingi rin ng paumanhin at pang-unawa si Isberto sa kanilang mga subscribers.

Ilang minuto bago mag-alas dose ng tanghali, naibalik na ang serbisyo ng data ng Smart.

Ayon sa kumpanya, para sa mga subscribers na nakararanas pa rin ng problema, pinapayuhan na i-off at muling i-on ang kanilang cellphone o tablet.

 

 

TAGS: smart communications internet services are currently down, smart communications internet services are currently down

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.