Mga high-profile inmates na sangkot sa riot, ilalayo sa isa’t isa paglabas ng ospital

By Dona Dominguez-Cargullo September 29, 2016 - 06:59 AM

New-Bilibid-PrisonPaghihiwa-hiwalayin na ang mga high-profile inmates na nasangkot sa riot kahapon ng umaga sa Building 14 ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rolando Asuncion, hindi nila inaalis ang posibilidad na maaring maulit ang riot kaya paglalayuin muna ang mga preso.

Kabilang sa mga nasugatan sa riot kahapon sina Jaybee Sebastian, Peter Co, Vicente Sy, at si Clarence Dongail. Habang nasawi naman si Tony Co.

Ani Asuncion, tuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente, at kanilang madaling araw, na-review na ng mga imbestigador ng PNP-CIDG ang CCTV footage sa pinangyarihan ng saksakan.

Sinabi ni Asuncion na mabuting hintayin na lamang ang magiging resulta ng imbestigasyon ng CIDG upang maiwasan ang mga spekulasyon.

Kabilang din sa tinutukoy pa ng CIDG kung sino talaga sa mga preso ang sumaksak sa nasawing si Tony Co.

 

 

TAGS: New Bilibid Prisons, New Bilibid Prisons

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.