Pagdinig ng Kamara sa drug trade sa Bilibid tuloy sa Oct. 5 kahit malabong makaharap si Jaybee Sebastian

By Dona Dominguez-Cargullo September 29, 2016 - 06:45 AM

colanggoKahit lumabo ang posibilidad na makadalo sa pagdinig ng House Justice Committee si Jaybee Sebastian matapos ang riot sa New Bilibid Prisons (NBP) kahapon ng umaga, tuloy pa rin ang hearing sa October 5.

Ayon kay Rep. Reynaldo Umali, chairman ng komite na nagsisiyasat hinggil sa drug trade sa Bilibid, dahil isa si Sebastian sa mga nasugatan sa riot, hindi nila tiyak kung makakadalo pa ito sa hearing sa kabila ng pag-subpeona sa kaniya ng House Justice Committee.

Target sana ng komite na maisailalim sa cross examination ng mga mambabatas si Sebastian upang maipasiwalat dito ang nalalaman niya sa kalakalan ng ilegal na droga sa Bilibid.

Ani Umali, kung hindi mabibigyan ng clearance ng kaniyang duktor na makadalo si Sebastian sa hearing, sesentro na lamang muna ang pagtatanong ng mga mambabatas sa iba pang ipinatawag na resource persons.

Kabilang sa mga pinadalhan din ng subpoena sina dating Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu, Joenel Sanchez, Ronie Dayan at si dating Presidential Anti Organized Crime Commission Executive Director Reginald Villasanta.

 

 

TAGS: house probe on bilibid drug trade, house probe on bilibid drug trade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.