Guro, arestado sa buy-bust sa  eskwelahan

 

Arestado ang isang guro sa loob minsan ng isang paaralan matapos ang isang buy-bust operation sa loob ng Bannawag Sur Integrated School sa bayan ng Diffun sa Quirino.

Ayon sa mga otoridad, nakilala ang suspek na si Malmore Nagtalon na residente sa Saguday at guro ng public school.

Ani Diffun Police Chief Insp. Maciste Extor Serrano, dalawang beses pa nilang pinakiusapan ang suspek para sumuko ngunit ayaw talaga nito.

Nasabat mula kay Nagtalon ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at P1,000 buy-bust money, at iginiit rin niya na handa siyang harapin ang mga kaso laban sa kaniya.

Samantala, nang tanungin naman ang principal ng nasabing paaralan na si Erlito Madriaga, kailanman ay hindi nagpakita ng anumang kakaibang ugali o pakikitungo si Nagtalon bago maganap ang buy-bust operation.

Read more...