P3 trillion na budget, hindi mamadaliin sa kamara

July 29, 2015 - 12:52 PM

 

budgetWalang balak ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na madaliin ang pagpapatibay sa panukalang 2016 National Budget na nagkakahalaga ng P3.002 trillion.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., kahit maaga naisumite sa kanila ng malakanyang ang proposed budget, hindi ibig sabihin nito ay magiging maaga rin ang pagpapatibay dito.

Pagtitiyak ni Belmonte, magiging metikuluso ang mga kongresista lalo’t huling pambansang pondo ito sa termino ni Pangulong Noynoy Aquino.

Dagdag pa ni Belmonte, pag-aaralan at bubusisiin ng mga mambabatas ang bawat bahagi ng budget, alinsunod na rin sa kanilang “power of the purse.”

Batay sa timetable ng kamara, sa August 10, 2015 sisimulan ng House Appropriations Committee ang budget deliberations, sa pamamagitan ng briefing mula sa developing budget coordination panel sa pangunguna ni Budget Sec. Butch Abad at economic managers ng administrasyon.

Kapag naaprubahan sa komite, inaasahan namang mai-aakyat ito sa buwan ng Setyembre.

Sa paraang ito, magkakaroon daw ang Kamara ng sapat na panahon para sa plenary deliberations, habang target na aprubahan ang 2016 budget bago mag-recess sa Oktubre.

Inaasahan din ang kooperasyon ng ehekutibo at mga departmento ng gobyerno sa pagbusisi sa pambansang pondo./ Isa Avendaño-Umali

TAGS: 2016 national budget, 2016 national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.