11,000 pulis, 16,000 Bgy. Captain, sabit sa bagong narco-list ni Pres. Duterte
Hindi bababa sa 11,000 alagad ng batas ang kabilang sa bagong listahang hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa iligal na droga.
Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito umalis ng bansa patungong Hanoi, Vietnam kahapon.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa kanyang pagbalik sa bansa, kanyang ilalarawan ang tunay na lawak ng pinsalang idinudulot ng droga sa bansa.
Aniya, sa kanyang hawak na listahan, mapapatunayang aabot sa 92 porsiyento ng mga barangay sa bansa ang apektado ng droga.
16,000 na libong barangay captain naman aniya ang sangkot bukod pa sa mga pulis.
Matatandaang una na ring nag-anunsyo ng mga pangalan ng mga pulitikong sangkot sa iligal na droga si Pangulong Duterte noon.
Gayunman, napilitan itong humingi ng paumanhin sa ilan niyang pinangalanan matapos lumitaw na sumablay ito at nagkamali sa pagtukoy sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.