Mga residente malapit sa Tullahan river, pinapayuhang lumikas

 

Umakyat na sa 79.90 meters ang taas ng tubig sa La Mesa Dam kaninang madaling-araw.

Dahil dito, patuloy ang rekomendasyon ng pamunuan ng La Mesa Dam ang mga reisdenteng nakatira sa pampang ng Tullahan river na pansamantalang lumikas na sa kanilang mga tahanan.

Sa Tullahan river bumabagsak ang tubig na umaapaw mula sa La Mesa dam sa tuwing umaabot ito sa kanyang spilling level na 80.15 meters.

Ayon kay Engineer Teddy Angeles, partikular na maapektuhan ng pagtaas ng tubig sa tullahan river ang mga barangay sa Novaliches Quezon City, Navotas at Malabon.

Kahapon ng umaga, inilagay na sa red alert ang staus ng La Mesa dam dahil sa naranasang pag-ulan.

 

Read more...