Mga maghahatid na kamag-anak ng mga OFW, may espasyo na uli sa NAIA 1
Posible na uli na maghatid at magsundo ang laksa-laksang mga kamag-anak ng isang Overseas Filipino Workers sa Ninoy Aquino International Airport tulad ng nakagawiang tradisyon ng mga Pinoy.
Ito’y dahil bukas na ang isang bahagi ng NAIA Terminal 1 na ilalaan para sa mga nais na maghatid sa kanilang mga mahal sa buhay sa paliparan, kahit gaano man sila karami.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, dalawang area sa east at west wing ng Terminal 1 ang bubuksan para sa mga well-wishers.
Ang west wing aniya ay magkakaroon pa ng one-stop shop para sa mga OFW.
Ginastusan aniya ng gobyerno ang naturang proyekto ng P7.2 milyong piso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.