Gen. Dela Rosa, pinagbabantaan na rin ng kapwa pulis na sangkot sa drugs

 

Mayroon na rin umanong pagbabanta sa buhay ni CPNP Ronald Bato dela Rosa mula sa mga kapwa pulis na sangkot sa ilegal na droga at hindi na lang mga pagbabanta mula sa mga druglords.

Ayon kay dela Rosa, nakatatanggap sila ng impormasyon na may heneral na yumaman na umano sa iligal na droga  ang ngayon ay nagpopondo para siya ipatumba.

Isang malinaw na patunay nito ay ang mga ikinantang pangalan na mga opisyal ng PNP ng sumukong druglord na si Franz Sabalones.

Paliwanag ni Bato, karamihan umano sa mga pulis na ito ay may kaugnayan umano o mga dating tauhan ni retired Deputy Director General Marcelo Garbo Jr.

Giit ni dela Rosa, pinakikilos na niya ang IAS at CIDG para maimbestigahan ang mga pulis na inginunguso ni Sabalones.

Read more...