Babaeng Russian, isinusubasta ang kanyang ‘virginity’ sa internet

By Jay Dones September 29, 2016 - 04:05 AM

 

ariana sinderellaUpang maipantustos sa kanyang pag-aaral, isinusubasta ng isang babae mula sa Russia ang kanyang ‘pagkabirhen’ sa sinumang handing magbayad ng ng Malaki para dito.

Sa kanyang profile sa isang escort site, sinabi ng 21-anyos na si ‘Ariana’ na nais niyang makalikom ng malaking halaga para makapag-aral sa abroad.

At dahil dito, handa siyang ialok sa ‘highest bidder’ ang kanyang ‘virginity’, batay sa ulat ng The Sun.

Paliwanag ni Ariana, bagamat batid niyang may iba pang paraan upang makalikom ng pondo upang makapag-aral, ang pagbebenta ng kanyang ‘pagkabirhen’ ang kanyang nakikitang pinakamabilis na paraan upang maabot ang kanyang pangarap.

Sa kasalukuyan, nagsimula na ang bidding para sa sinumang nais makuha ang pagka-birhen ni Ariana sa halagang 130,500 pounds o katumbas ng P8.2 milyong piso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.