Matapos ang riot, dalaw sa Bldg. 14 ng NBP, sinuspinde muna

Kuha nI Richard Garcia
Kuha nI Richard Garcia

Pansamantalang sinuspinde ng pamunuan ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) ang dalaw sa Building 14 at Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor), officer-in-charge Rolando Asuncion, ito ang naging pasya ng SAF matapos ang naging riot Miyerkules ng umaga.

Gayunman, sinabi ni Asuncion na tuloy naman ang dalaw sa medium at minimum security compound ng Bilibid.

Sumiklab ang riot sa pagitan ng nasa 7 hanggang 8 inmates sa Bldg. 14 na ikinasawi ni Tony Co at ikinasugat nina Jaybee Sebastian, Peter Co, Vicente Sy at dating Chief Inspector Clarence Dongail.

Ani Asuncion, ang preso na si Edgar Cinco ang unang pinagmulan ng sumbong, makaraang makita nito na nagpo-pot session si Peter Co sa kaniyang kama kasama sina Tony Co at Vicente Sy.

Nang makita ni Cinco ang kaganapan ay agad itong nagsumbong kay Dongail na siya namang sumita sa tatlong Chinese inmates.

Pero dahil sumama ang loob ng tatlo sa ginawang pagsita sa kanila ni Dongail ay sinugod nila ito.

Si Sebastian naman ayon kay Asuncion ay matagal na umanong kaalitan ng grupo ni Dongail.

Ani Asuncion, may sugat sa dibdib si Sebastian pero conscious naman ito nang dalhin sa pagamutan.

 

 

Read more...