De Lima kay Duterte: “Arrest me now, jail me now if that’s what you want! I’m here!”
Arestuhin mo na at ako at ipakulong kung iyan ang gusto mo!
Ito ang hamon ni Senator Leila De Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte sa aniya ay patuloy na panggigipit sa kaniya ng administrasyon.
Galit at umiiyak na humarap sa media si De Lima, na hindi napigilang sumigaw habang nanginginig ang boses sag alit.
Ani De Lima, maari nang gawin ni Duterte ang nais niya at hihintayin niya ang magiging hakbang nito.
“Arrest me now, jail me now if that’s what you want! I’m here, do what you want to me Mr. President. I’ll wait for you!,” galit na paghahamon ni De Lima.
Lalo pang ikinainis ni De Lima na tila ikinakabit na naman sa kaniyang pangalan ang riot na naganap sa Bilibid na ikinasawi ng isang convicted crime lord at ikinasugaw ng iba pang high-profile inmates.
Ani De Lima, hindi siya naniniwalang riot ang naganap sa Building 14 kung saan naroroon ang tinaguriang “Bilibid 19”.
Matagal na kasi aniya siyang nakatatanggap ng impormasyon na isinasailalim sa matinding torture ang mga high-profile inmates na ayaw tumestigo laban sa kaniya.
De Lima fuming at insinuation she had anything to do with Bilibid incident pic.twitter.com/RYYrqdNx4j
— Tarra Quismundo (@TarraINQ) September 28, 2016
Dagdag pa ng senadora, hindi imposible na ang sinasabing “riot” ay paraan ng administrasyon para parusahan ang mga preso na ayaw tumestigo laban kay De Lima.
Ani De Lima, sina Tony Co na nasawi sa riot at si Peter Co at Jaybee Sebastian na kabilang sa mga nasugatan ay pawang nauna nang hinikayat na tumestigo laban sa kaniya.
Sinabi ni De Lima na sa kabila ng nararanasan niyang matinding panggigipit, hinding-hindi siya aalis ng bansa.
Bahala na aniya si Duterte kung ano pang nais nitong gawin sa kaniya.
De Lima on allegations vs her: mapapahiya ang pangulo pic.twitter.com/sXMBgOByLV
— Tarra Quismundo (@TarraINQ) September 28, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.