Krisel Mallari, pinaburan ng Court of Appeals

July 29, 2015 - 12:39 PM

Kristel-MallariInatasan ng Court of Appeals ang Sto. Niño Parochial School (SNPS) sa Quezon City na ibigay na ang certificate of good moral character ng salutatorian na si Krisel Mallari.

Si Mallari ang estudyanteng nagsalita laban sa nasabing paaralan sa kasagsagan ng kaniyang pagtatalumpati bilang bahagi ng graduation ceremony.

Sa desisyon ng CA inatasan nito ang nasabing paaralan na agad ibigay ang certificate na kailangan ni Mallari.

Sa petisyon ni Mallari sa CA, sinabi nitong nakapasa siya at natanggap sa undergraduate accountancy program ng University of Sto. Tomas at tanging ang nasabing certificate na lamang ang kulang niyang requirement.

Sinabi ni Mallari, na hindi siya makakapag-enroll sa UST hangga’t hindi niya nakukuha ang certificate. Hindi rin umano ipinapaliwanag ng registrar ng SNPS na si Yolanda Casero kung bakit nito ayaw ibigay ang dokumento.

“It is of judicial notice that the UST starts its classes for the first semester anytime within the month of August 2015. In this regard, and considering the time is of the essence, this court reiterates its order that SNPS should issue a Certificate of Good Moral Character in favour of Krisel immediately upon receipt of this resolusyon,” ayon sa Court of Appeals

Kasabay nito ay inatasan ng CA si Casero na magsumite ng komento sa petisyon ni Mallari sa loob ng 10 araw.

Magugunitang naging viral ang video ng speech ni Mallari dahil binatikos nito ang aniya ay hindi patas na grading system sa eskwelahan. Ginawa ni Mallari ang pagbatikos sa kaniyang speech sa graduation ceremony./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Krisel mallari, Sto. Niño Parochial School (SNPS), Krisel mallari, Sto. Niño Parochial School (SNPS)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.