Mahigit 1,500 na katao, inilikas sa Bulacan

By Rohanisa Abbas September 28, 2016 - 10:58 AM

Marilao Bulacan | Kuha ni Den Macaranas
Marilao Bulacan | Kuha ni Den Macaranas

Inilikas ang 356 pamilya o 1,559 katao sa lalawigan ng Bulacan dahil sa walang tigil at malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Naapektuhan ng flashfloods ang 77 pamilya sa Meycauayan, 200 pamilya sa Marilao, at 79 pamilya sa Sta. Maria.

Tinulungan naman ng provincial risk reduction and management ng Bulacan ang mga commuter na stranded mula SM Marilao papunta sa Meycauayan at sa Bocaue.

As of 7AM, nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Bulacan, Metro Manila, Rizal, Bataan at Cavite.

Pero alas 10:00 ng umaga, inalis na ng PAGASA ang umiiral na rainfall warning at nagpa-abiso na maaring thunderstorm na lamang ang makaapekto sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa susunod na mga oras.

 

TAGS: more than 1500 evacuated in some bulacan towns due to flashflood, more than 1500 evacuated in some bulacan towns due to flashflood

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.