Biyahe ng Pasig River Ferry ngayong araw, apektado dahil sa makapal na water lily

pasig-ferryDahil sa kapal ng water lily, apektado ang biyahe ng Pasig River Ferry ngayong araw.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sarado ang Pinagbuhatan station ng ferry.

Ito ay dahil puno umano ng water lilies ang nasabing istasyon.

Dahil dito, ang biyahe ng Pasig River Ferry ay mula sa Maybunga station lamang hanggang Guadalupe station at mula Guadalupe station hanggang Escolta station lamang at pabalik.

 

 

Read more...