Heavy rainfall warning, nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2016 - 08:10 AM

Yellow Rainfall Warning

Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan nananatiling nakataas ang yellow rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA, mula alas 10:00 ng umaga hanggang ala 1:00 ng hapon ang pag-iral ng heavy rainfall warning sa Metro Manila, Bataan, Cavite, Laguna at Batangas.

Babala ng PAGASA, posible ang pagbaha sa mga nabanggit na lugar dahil sa pabugso-bugsong pag-ulan.

Habagat na pinalalakas ng bagyong Helen na nakalabas na ng bansa ang nagdudulot ng pag-ulan.

Samantala, light to moderate na may occasional heavy rains naman ang nakakaapekto sa Pampanga, Bulacan, bahagi ng Zambales, Tarlac, Nueva Ecija at Quezon.

Sa susunod na tatlong oras, maaapektuhan din ng pag-ulan ang Laguna, Batangas at iba pang bahagi ng Quezon.

Payo ng PAGASA sa publiko, manatiling naka-antabay sa ilalabas nilang abiso mamayang ala una ng hapon.

 

 

 

 

TAGS: heavy rainfalll warning, heavy rainfalll warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.