One-truck lane policy sa C-5, tuloy hanggang 2016

file photo inq
Inquirer file photo

Pinalawig pa ng anim na buwan ang pagpapatupad ng one-truck lane policy sa kahabaan ng C-5 at sa Katipunan Avenue.

Sa Resolution No. 2 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tuloy ang pag-iral ng truck lane mula August 1, 2015 hanggang January 31, 2016.

Ayon sa MMDA, naging matagumpay ang programa dahil naibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa C5 nang bigyan ang mga truck ng sarili nilang linya.

Ang pagpapalawig sa one-truck lane policy ay nilagdaan ng Special Traffic Committee sa pamumuno ni Quezon City Mayor Herbert Bautista at mga miyembro na sina Marikina City Mayor Del de Guzman, Las Piñas City Vice Mayor Luis at and Valenzuela City Councilor Lorena Borja.

Unang ipinatupad ang sistema mula Sept. 1, 2014 hanggang Jan. 31, 2015 para mabawasan ang traffic congestion sa C-5 at Katipunan dahil sa naglalakihang mga truck na dumadaan doon araw-araw. Ang unang six-month extension ng kautusan ay magtatapos sa July 31.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager Emerson Carlos, maliban sa naibsan ang masikiip na daloy ng trapiko, nabawasan din ang mga naitatalang aksidente sa C-5 dahil sa one-truck lane policy.

Sa ilalim ng sistema, ang mga cargo trucks na may bigat na mahigit 4,500 kilos ay papayagan lamang sa linya na itinalaga ng MMDA para sa mga truck. /Dona Dominguez-Cargullo

Read more...